Tinatamad akong magreview.
sana nalang naging bato ako, kasi feeling ko ang tamad tamad ko.
Ang gusto ko lang gawin ay kumain. kumain. kumain.
Marahil, iniisip mo na isa akong batugan.
Ngayon lang naman, at kapag nagrereview ako.
Stressed kasi ako. Alam mo yung tipong pagod na pagod ka na tapos madami pa pala pinagagawa sayo. Tapos kulang pa yung oras. haaay, Mahirap kaya magmakaawa sa oras na huwag muna bumigay. Kulang na lang talaga lumuhod ako na huwag muna siya mamaalam.
Nagawa ko na ata lahat ng paraan para ma-activate ko lang ang mga motivation buttons ko kaso wa-epek talaga e.
1. naglagay na ako ng bible verses sa notebook ko. C’mon excellence is the key, pero tuwing bubuksan ko na yung notebook ko para mag-aral, nauumay ako. Stock knowledge na kasi lahat. (yeah, yabang!) joke lang. Kasi naman Literature Major ako, mga exams namin hindi naman masyadong objective, duguang subjective type of test. So ayoko masyadong kabisaduhin lahat ng facts kasi alam ko malilimutan ko rin so tinatandaan ko nalang yung mga mahalaga at ang alam ko na kayang iabsorb ng aking mumunting utak.
2. wallnuts. Mauubos ko na ata to. Nanghihinayang ako. Ang mahal kaya nito sa supermarket!
3. Iniisip ko mama ko. She’s the one who’s working for living. I don’t have a dad. So iniisip ko yung mga hirap niya at sweat sa pagtatrabaho. (Mom, I love you, pero you know me naman kung pano ako magreview, napapakamot ka nalang sa ulo. Hindi ko rin alam kung pano ako nakakapasa haha!)
4. Sabi ko sa sarili ko, bibili ako ng madaming pagkain pagnatapos na ang exam. FAILED! baliktad ang nangyari, nakakain na ako lahat lahat wala pa rin ako narereview.
5. Pinipilit kong huwag magisip kaso naiisip ko talaga kung bakit hindi ako makapagreview.
Ayan. Nakita niyo naman paghihirap ko diba? Ang hirap talaga pilitin ang sarili mo na magreview pero ayaw talaga ng utak mo magreview. Malaking problema to kasi nalimutan ko na ang mga tinuro ng prof ko sa isang subject namin. Alam mo yung feeling na hirap na hirap kang intindihin siya kasi kinakain niya salita niya tapos para madecipher mo mga sasabihin niya e kailangan titigan mo ang kanyang bibig. A-E-I-O-U. Tapos bigla siyang magtatanong, at kapag hindi ka nakasagot agad ay magiging high blood siya. Haay, pambihira. Mahalaga pa man din ang subject na to sa Board exam. At ngayon, tinititigan ko ang notebook at kahit anong gawin ko ay walang nabubuong ideya sa utak ko. Haai! Kulang na lang talaga magsepuku ako para humaba ng oras.
———————————————-
Ang tamad ko talaga. Sabi ng iba masipag daw ako. Charus. tamad talaga ako magreview. Masipag ako kapag gustong gusto ko talaga ang ginagawa ko. Natutulog pa ako minsan sa klase, hindi ko mapigilan. Auditory learner kasi ako, ibig sabihin mas natututo ako kapag pinapakinggan ko ang isang bagay. So madalas, pinipilit kong ipikit ang mga mata ko habang nakikinig o kaya nakatitig lang sa isang bagay para nakaconcentrate ako sa pakikinig. The downside? Nakakakatulog ako, lalo na kapag boring ang lesson. Hindi pa naman ako masyadong nahuhuli kasi nasesense ko pa rin ang paligid ko kahit tulog ako. haha. Hindi ko din alam kung paano nangyayari yun. Ganito kasi yun:
-Madalas kasi ako nakaupo sa unahan ng klase at sa gitna pa. May isa akong prof na umiikot siya sa klase habang nagdidiscuss, kapag nasa likod siya pumipikit ako at pinapakinggan ko siya, dun ako nakakatulog pero pagpapunta na siya sa unahan, nararamdaman kong may papalapit at bigla ko nalang imumulat mata ko haha!
- kahit tulog ako kapag tinawag ako nakakasagot naman ako sa tanong. Alam ko pa rin ang nangyayari kahit half-tulog ako.
Ang daldal ko na. Nakakatamad talaga. Nakapagsulat pa tuloy ako dito.
Nagmumura na ulit ang tyan ko. Ano ba yan, isang oras pa lang nakakalipas at gutom na naman ako. Buti nalang hindi ako gaanong tumataba. Payat pa din ako. Haha!
haay. Sabi nga ng classmate ko ang takaw ko daw. I need to control my ID (tanungin niyo si Freud kung ano ang ID, kung hindi niyo kilala si Sigmund Freud ay pwes, iresearch mo sa google) haay, buti nga yan yung major ID ko-food! haha! Hindi naman nagsstruggle si Ego. Sabi lang ni Super Ego, magtipid ako at magexercise. Haay. I do jogging naman e, hindi nga lang masyado ngayon kasi busy ako haha! Busy daw. Whatever.
So,paano ba yan? I keep on spoiling my ID. kakain ulit ako tapos magrereview na talaga. Promise! Promise! Promise!
Lubos na gumagalang,
Faith Andres =)